Mga tambay doon sa kanto
Mga jokers doon sa Recto
Mga praning doon sa Tondo
Paano ang bayan ko
Basura sa kalye nagtambak
Mag-ingat baka mabangga ng may topak
Mga daan ay tadtad ng lubak
At nangongotong na mga parak
Ayoko na, sawang-sawang na
Mabuti pang nasa Time Space Warp
Babilos!
Mandarayang mga artisa
'Sang tambak kayo sa pulitika
Buwayang kapitalista
Ang bayan ko'y paano na
Mga pasukal at mapagharing puri
Mga manyakis at maninira ng puri
Mga kaliwete at nangangalantari
Mga talangkang malilinis kunwari
Blue Hawk!
Uhm sige sige uhm sige sige uhm eh [2x]
Uhm sige sige uhm sige sige uhm sige sige ehh
Bansa ng manloloko
Magiging karamay ay naiinsulto
Sa tingin ng mundo'y basang-basa na tayo
Paano na ang bayan ko
Basura sa lipunan nagtambak
Umaalingasaw na parang ebak
Sugat ng bayan nagnanaknak
Dahil sa bara ng puro dakdak
Ayoko na, sawang-sawang na
Bad trip na, tanggalin na
Mabuti pang nasa Time Space Warp
Fuma Lei Ar! Ida!
No comments:
Post a Comment