Magtanim ay di biro,
Maghapong kang nakayuko
Di naman makatayo,
Di na rin makaupo.
Braso ko'y namamanhid
Baywang ko'y nangangawit
Binti ko'y namimitid
Sa pagkababad sa tubig.
O pagkasawing palad
Ng ibinaon sa hirap
Ang bisig ko'y di maiunat
Kung di kumita ng pilak
Sa umaga pagkagising
Ay agad iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.
Koro:
Halina, halina, mga kaliyag,
Tayo’y magsipag-unat-unat,
Magpanibago tayo ng lakas
Para sa araw ng bukas
Para sa araw ng bukas.
No comments:
Post a Comment